-- Advertisements --

Ipinaalam na ng Israel Defense Forces sa kaanak ng apat na bihag ng Hamas sa Gaza na ang mga ito ay pumanaw na.

Ayon sa IDF na kanilang nakausap na ang mga pamilya ng mga biktimang sina Chaim Peri, Yoram Metzger, Amiram Cooper, at Nadav Popplewell na ang mga ito ay nasawi na.

Ang mga biktima ay binihag ng mga Hamas militant group sa Gaza Strip noong Oktubre 7.

Dagdag pa ng IDF na ang desisyon na ideklara ang mga apat na bihag na patay na ay base sa intelligence at kinumpirma ito ng Ministry of Health expert committee sa pakikipagtulungan na rin sa Ministry of Religious Services at ang Chief Rabbi ng Israel.

Patuloy na inaalam ng IDF kung ano ang sanhi ng kanilang kamatayan.