Aprubado na ng Food and Drug Administration (FDA) ang emergency use authorization ng apat na klase ng bakuna kontra COVID-19 na gagamitin bilang booster shot at third dose.
Sinabi ni FDA director general at Undersecretary Eric Domingo na kabilang sa mga ito ay ang Pfizer, Sinovac, AstraZeneca, at Sputnik light.
Aniya, humingi nadin ng tulong ang Department of Health (DOH) sa Food and Drug Administration na suriin ang iba’t ibang maaaring kombinasyon ng bakuna.
Nirekomenda naman ng kagawaran na maaaring gamitin bilang booster shots ang Moderna, Pfizer, at Sinovac kahit anuman ang brand ng primary series.
Samantala, inaasahan naman ng National Vaccination Operations Center (NVOC) na ilalabas ngayong araw ang mga guidelines hinggil sa pagbibigay ng booster shots.
Sa araw ng bukas ay sisimulan na ng DOH ang pagbabakuna ng booster shots sa mga healthcare workers na fully vaccinated na.(with report from Bombo Marlene Padiernos)