-- Advertisements --

KALIBO, Aklan- Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Anti-Human Trafficking Law ang apat na mga babae na umano’y bugaw matapos na mahuli sa ikinasang entrapment operation ng Malay PNP at Aklan Port-based Anti-Human Trafficking Task Force sa Sitio Kipot, Barangay Manoc-manoc sa isla ng Boracay.

Batay sa impormasyon mula sa Malay PNP, nasa 33 mga kababaihan na ang ilan ay mga menor de edad ang nailigtas mula sa kamay ng mga suspek na hindi muna pinangalanan sa inuupahan nitong apartment sa naturang isla.

Napag-alaman na matagal ng minamanmanan ng otoridad ang mga suspek sa nasabing kalakaran.

Target umano nito na ibugaw ang kanilang mga biktima sa mga dayuhang turista na lomolobo na ngayon ang bilang sa Boracay.