-- Advertisements --
DAVAO CITY – Ligtas at nasa mabuting kalagayan ang isang apat na buwang sanggol matapos na aksidenteng matamaan ng kutsilyo ang ulo nito.
Sa imbestigasyon ng otoridad, habang nagbabalat ng mais ang ina ng bata na nakilalang si Melisa Anti-an , 21 anyos, residente ng Sitio Kailawan, Brgy. Sto. Niño, Talaingod, Davao del Norte, aksidente nitong natamaan ng kutsilyo ang ulo ng kanyang anak.
Agad na humingi ng tulong ang isang residente sa lugar sa mga personahe ng Regional Mobile Force Battalion (RPSB) Davao del Norte Chapter “Pulis sa Barangay” na nadestino sa lugar na agad naman na rumesponde kahit na limitado lamang ang kanilang medical supplies.
Ligtas naman ang kalagayan ng bata ngunit inoobserbahan pa rin ang kalagayan nito.