-- Advertisements --

Nagbitiw sa kanilang puwesto ang apat na senior aides ni British Prime Minister Boris Johnson.

Kasunod ito sa pressure dahil sa mga kontrobersiyang kinakaharap ni Johnson.

Kinabibilangan ito nina director of communications Jack Doyle, policy head Munira Mirza, chief of staff Dan Rosenfield at senior civil servant Martin Reynolds.

Hihintayin muna ni Rosenfield ang kaniyang kapalit bago tuluyang umalis sa puwsto.

Magugunitang 17 mga members of parliament ang nagsumite ng letters of no confidence laban kay Johnson.

May kaugnayan ito sa batikos na nakukuha ni Johnson dahil sa pagdalo sa mga kasiyahan noong kasagsagan ng COVID-19 lockdown.