-- Advertisements --
Tuluyang ipinatigil ng Antipolo City Government ang construction ng two-story residential building.
Kasunod ito sa pagkakabaon ng buhay ng apat na manggagawa sa construction site sa Fairmont Hills Subdivision sa lungsod ng Antipolo.
Base sa imbestigasyon na nahulog ang mga constructions workers sa hinuhukay nilang bahagi ng subdivision kung saan sila ay natabunan.
Nakaligtas naman ang isang construction workers matapos na ito ay makatakbo palayo sa hukay.
Hinala ng mga otoridad na naging malambot ang lupa dahil sa mga naranasang pag-ulan.
Sinabi ni Antipolo LGU Spokesperson Relly Bernardo, na bagamat mayroong permit ang site ay wala naman isinumite sa kanila ng kabuuang plano.