-- Advertisements --
Patay ang apat na construction workers at anim na iba pa ang sugatan matapos ang pagguho ng highway overpass sa South Korea.
Kabilang sa nasawi ay dalawang Chinese at lima ang nasa kritikal na kalagayan sa aksidente na nangyari sa Cheonan, Seoul.
Base sa inisyal na imbestigasyon na bigla na lang gumuho ang towering deck ng overpass at ito ay bumagsak.
Wala namang pasahero at mga sasakyan na nakaparada malapit sa construction site.
Agad naman na nagpatawag ng imbestigasyon si Acting Interior and Safety Minister Koh Ki-dong sa nangyaring insidente.