KALIBO, Aklan—Inaasahan ng Aklan provincial government ang nasa apat na cruise ship na bibista sa isla ng Boracay bago matapos ang kasalukuyang taon.
Sa katunayan ayon kay Katherine Licerio, tagapagsalita ng Malay Tourism Office na dadaong sa isla sa Nobyembre 6 ang MS Noordam sakay ang mahigit isang libong pasahero at daan-daang mga crew members.
Bababa aniya ang mga turistang Americans, Australian at iba pang mga dayuhan kung saan, maglilibot ang mga ito ng ilang oras sa Boracay upang masilayan ang ganda ng tanyag na isla.
Samantala, ang tatlong iba pang cruise ship ay nakatakdang dumating sa buwan ng Disyembre.
Sa susunod na taon ay halos 17 ang naka-schedule na bumisita kung saan, lima dito ay dadaong sa buwan ng Enero 2025.
Sa kasalukuyan ay patuloy ang pagbuhos ng mga turista sa Boracay kung saan, minabuti ng mga ito na sa isla magrelax ngayong long weekend dahil sa paggunita ng All Saints Day and All Souls Day.