-- Advertisements --
Sinibak na ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang apat na empleyado nito dahil sa labis na pagliban sa trabaho.
Ayon sa BSP na dalawa sa mga dito ay nagtatrabaho sa dating Monetary Board Members na naparusahan na dahil sa pagsisinungaling.
Noong Hulyo pa aniya ay inaprubahan na ng Monetary Board ang pagtanggal sa nasabing apat na dating empleyado.
Bukod sa pagtanggal sa trabaho ay kasama rin ang kanselasyon ng kanilang eligibility , pagtanggal ng retirement benefits, perpetual disqualification sa paghawak ng public office at pagbabawal sa mga ito na kumuha ng civil service examinations.