-- Advertisements --

GENERAL SANTOS CITY – Kinumpirma ni Mayor James Yap ng Glan, Sarangani Province na apat na mga empleyado ng lokal na gobyerno ay positibo sa ilegal na droga.
Ayon sa kanya na ang mga ito ay pawang mga job order workers.

Nalaman na may positibo sa ilegal na droga dahil sa mandatory drug test na ginawa sa lahat na mga empleyado.

Babala ng Mayor Yap sa mga empleyado na hindi siya mag-aalangan na ipapatupad kung ano ang mga batas kapag gumagamit ng ilegal na droga.

Sa kanyang pahayag na hindi niya gusto na may empleyado sa kanilang munisipyo na gumagamit ng ilegal na droga.