Kinakasabikan ngayon ang nalalapit na pagbubukas ng bagong season ng NBA.
Nasa apat kasi na Filipino-American players ang kinuha ng iba’t-ibang koponan sa NBA.
PInamumunuan ito nio Utah Jazz player Jordan Clarkson.
Hindi nakapaglaro ng ilang bahagi ng nagdaang dalawang seasons si Clarkson dahil sa mga injuries.
Inamin nito na ginugol niya ang bakasyon sa pagpapagaling lalo na pagkatapos na kinuha itong maglaro sa Gilas Pilipinas noong FIBA World Basketball World Cup.
Habang ang number 2 overall 2021 pick ng Houston Rockets na si Jalen Green ay abala na ngayon sa pagiging isang ama.
May average ito ng nasa less than 20 points at nakatuon ito ngayon sa team goals.
Titiyakin naman ni undrafted Fil-Am rookie Boogie Ellis na ibibigay niya ang makakaya para mangibabaw ang Sacramento Kings.
Isa sa mga inspirasyon niya sa laro ay ang pagiging assistant coach niya si PBA legend Jimmy Alapag na nasa ikalawang taon bilang assistant coach ng Kings.
Labis naman ang kasabikan ni Fil-Am player Ron Harper Jr dahil kinuha siya ng reigning NBA champion na Boston Celtics mula sa Toronto Raptors.
Hindi nakapaglaro noong nakaraang season si Harper dahil sa injury at nakasama na ito sa preseason ng talunin ng Celtics ang Denver Nuggets sa laro na ginanap sa Abu Dhabi.
Magsisimula ang bagong season ng NBA sa darating na Oktubre 22.