GENERAL SANTOS CITY – Nanawagan si Adbulhakim Saricala, ang acting President ng Gensan Market Vendors Association, sa kanyang kapwa mananampalatayang Muslim na mag-ingat sa mga nakitang masasamang gawain ng ilang vendors sa fish
section ng palengke kung saan pinapahiran ng dugo ng baboy ang mga panindang isda upang magmukhang sariwa.
Ani Sarikala, naniniwala siyang kakaunti lang ang gumagawa nito at marami pa rin ang nagbebenta ng tama.
Aniya, matagal na itong ginagawa ng ilang tindero sa palengke na patuloy nilang minamanman.
Sa ngayon nagpapasalamat sila na inaksyunan na nasabing anomalosong aktibidad.
Nabatid na ipinagbabawal sa mga mananampalatayang Muslim ang pagkain ng baboy, kaya patuloy silang nananawagan na inspeksyunin muna ng maigi ang mga bibilhing isda sa palengke.