-- Advertisements --

Nagdesisyon ang local government ng Pasig City na pansamantalang isara ang apat na health centers matapos na isailalim sa COVID-testing ng mga mangagawa doon.

Sinabi ni Pasig City Mayor Vico Sotto, kinabibilangan ito ng mga Manggahan Super Health Center, Caniogan, Napico at Maybunga Floodway.

Nasa quarantine din kasi ang mga manggagawa ng Caniogan health workers habang hinihintay nila ang resulta ng COVID-19 testing.

Nanawagan din ito sa mga residente na kung sakaling mayroon silang anumang katanungan ay maari lamang silang makipag-ugnayan sa kanilang operation center.

Humingi din ang alkalde ng pang-unawa dahil marami rin aniyang ginagawa minsan ang kanilang health workers.

Tiniyak din nito na gumagawa na sila ng paraan para mapalawig pa ang kapasidada ng kanilang operation centers.

Umaabot na kasi sa mahigit 1600 na kasong COVID-19 sa lungsod at 111 naman ang nasawi at 741 naman ang gumaling na.