KORONADAL CITY – Nasa kustodiya na ngayon ng mga otoridad ang apat na drug suspects na itinuturing high value target kabilang ang isang myembro ng CAFGU ng 30th Infantry Batallion Philippine Army, matapos maaresto sa isinagawang operasyon sa bayan ng Esperanza, Sultan Kudarat.
Ayon sa Intelligence Operatives ng Esperanza PNP, nahuli nila sa aktong nagpa-pot session ang mga suspek sa isang residential house sa Purok Bagong Silang Silyaw Esperanza, Sultan Kudarat.
Kinilala ng Esperanza PNP ang mga suspek na sina Daryl Salbalosa, Ian Dexter Maporo, 34 anyos, Julito Monte Alegre at Rany Aben, 40 anyos residente ng Maguindanao.
Itinuturing naman na mga high value target ang mga suspek.
Narekober sa mga ito ang apat na empty sachet, improvised lighter at malalaking sachet na hindi pa nabubuksan na pianghihinalaang droga.
Sa ngayon inihahahanda na ng pulisya ang kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 na isasampa laban sa mga suspek.