-- Advertisements --

COTABATO CITY – Apat na namang miyembro ng umano’y ISIS-inspired Dawlah Islamiya terrorists ang sumuko sa pamahalaan sa Saguiaran, Lanao del Sur.

Kinilala ni 82nd Infantry Battalion commander Lt. Col. Rafman Altre ang mga nagbalik-loob sa pamahalaan na sina Calandada Lumondot, 55; Jamal Radiab, 30; Mahaimen Carim, 30, at Imam Sultan Moctor, 22.

Kasabay ng pagbabalik loob ng apat na terorista ang pagsuko sa rocket-propelled grenade, M79 grenade launcher, KG9, at .45 pistol.

Napag-alama, na sina Lumondot, Radiab at Carim ay sangkot sa Marawi siege noong taong 2017.

Samantala, muling nanawagan si 103rd Brig. Gen. Jose Maria Cuerpo II na sumuko na sa pamahalaan ang mga nalalabing mga miyembro ng ISIS na sumuko na at magbagong buhay.