4 na kandidato sa probinsya, inisyuhan ng show cause order ng Commission on Election dahil premature campagning
Unread post by bombodagupan » Thu Sep 21, 2023 10:36 pm

BOMBO DAGUPAN- Inisyuhan ang 4 na kandidato sa probinsya ng show cause order ng Commission on Election dahil sa reklamong premature campaigning.

Ayon kay Atty Marino Salas, Provincial Election Supervisor ng Commission on Election sa lalawigan, ang 4 na na-isyuhan ng kaso ay maaaring madisqualify, at mapatawan ng 1 taon hanggang 6 na taong pagkakakulong kung mapatunayang may paglabag sa isinagawa nilang aktibidad.

Binigyang diin rin nito na ang campaign period ay sa Oktubre-19 hanggang 28 pa kung kaya’t ang ginagawang pangangampaniya sa social media at sa mga nasasakupan ng aspirants ay may karampatang parusa.

Dagdag pa ni Salas, ang mga pa-liga partikular na ng mga Sangguniang Kabataan Aspirants ay ipinagbabawal din dahil parte pa rin ito ng pre-mature campaigning.

Kaugnay nito, patuloy naman ang pakikipag-ugnayan ng kanilang hanay sa iba’t ibang sektor ng kapulisan, Armed Forces of the Philippines, at Maritime personnels para sa preparasyon sa nalalapit na halalan.

Mensahe naman ni Salas sa publiko, kapag may nakitang lumabag sa nasabing batas, makipag-ugnayan lamang sa kanilang himpilan nang sa gayon ay mabigyan ito kaagad ng agarang askyon at parusa.