-- Advertisements --
BAGUIO CITY – Itinuturing ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong na kritikal ang linggong ito dahil ngayon ilalabas ang lahat ng resulta ng mga confirmatory tests ng mga persons under investigation (PUIs) ng lunsod.
Inihayag niyang mayroong ding kaso ng ‘highly suspicious’ o hinihinalang a PUIs ng COVID-19 sa lunsod na sa ngayon ay mahigpit na binabantayan.
Binanggit pa ni Magalong na mayroong isang indibidual sa lunsod ang nasawi na mayroong mataas na indikasion na nakapitan ito ng coronavirus.
Dahil dito, muling iginiit ng alkalde ang pagsunod ng mga mamamayan sa mga paraaan para maiwasan ang pagkalat ng coronavirus.