Aabot sa apat na katao ang kumpirmadong nasawi habang dalawa ang nasagip ng Bureau of Fire Protection Antipolo City Fire Station matapos ang naganap na landslide sa Antipolo City sa lalawigan ng Rizal.
Ayon sa Antipolo City Fire Station, naganap ang mismong insidente ng pagguho ng lupa sa Barangay Dela Paz ng nasabing lungsod.
Walang pagod aniya na nagtyaga ang kanilang mga tauhan para mailigtas ang mga biktima mula sa lugar.
Tumagal ang nasabing operasyon ng halos dalawang oras at nailigtas ang dalawa ngunit patay na ng makuha ang apat.
Nagpaabot naman ng pakikiramay ang BFP sa mga naulilang pamilya ng mga biktima.
Patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon ngayon ng Antipolo City Police Station matapos na iturn-over sa kanila ang kasong ito.