BUTUAN CITY – Nasa orange rainfall warning na sa ngayon ang mga lalawigan ng Dinagat islands at Surigao del Norte na nagbabanta ng matinding pag-ulan, pagbaha at pagguho ng lupa.
Ito ay matapos na isina-ilalim na sa tropical storm signal #3 pasado alas-11:35 kagabii, ang nasabing mga lalawigan kasama na ang Agusan del Norte at Surigao del Sur kungsaan ang buyo ng malakas na hangin ay inaasahan sa loob ng 18 oras kung kaya’t pinag-iingat ang lahat lalo na yaong mga nasa low-lying at landslide-prone areas.
Asahan ang pagtaas ng alon at storm surge na aabot sa 2 hanggang 3-metro kung kaya’t ini-utos na ang paglikas sa mga nasa mababang lugar na nasa tabing dagat sa probinsya ng Surigao del Sur, Surigao del Norte at Dinagat Islands.
Samantala niyanig naman ng magnitude 5.1 na lindol ang bayan ng Burgos, Surigao Del Norte pasado alas-9:11 kagabi kung saan inaasahang wala itong maihahatid na danyos ngunit posible ang mga aftershocks.