-- Advertisements --
Makakaranas ng ‘danger level’ heat index ang apat na lugar sa bansa ngayong araw ng Huwebes, Marso 13.
Sa lungsod ng Dagupan ay maaring pumalo sa 45°C habang sa Virac, Catanduanes, Cotabato City at Maguindanao ay maaaring makaranas ng hanggang 42 degrees Celsius.
Sa Metro Manila naman ay maaring umabot sa 40 Degrees Celsius ang inaasahan sa Pasay City habang sa Science Garden sa Quezon City ay aabot sa 38 degrees Celsius.
Base sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na maituturing na nasa ‘danger level’ ang nararansang heat index kapag pumalo ito ng mula 42 hanggang 51 degrees Celsius.
Ang heat Index ay sinusukat sa init na nararamdaman ng isang tao.