-- Advertisements --
Iniulat ng Department of Agriculture-Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) na apat na lugar ang natukoy nilang tinamaan ng toxic red tide.
Ang mga nasabing lugar ay ang mga sumusunod: Matarinao Bay sa Eastern Samar; Dumanquillas Bay sa Zamboanga del Sur; at coastal waters ng San Benito sa Surigao del Norte.
Batay sa inilabas na bulletin ng BFAR nuong May 3,2024 ang mga makukuhang shellfish sa mga nasabing lugar ay positibo sa Paralytic Shellfish Poison (PSP) o toxic red tide.
Gayunpaman, sinabi ng ahensya na ligtas pa rin kumain ng isda, pusit, hipon, at alimango hangga’t ang mga ito ay sariwa.
Hugasan lamang ang mga ito ng maigi, at ang kanilang mga panloob na organo tulad ng hasang at bituka ay tanggalin bago lutuin.