-- Advertisements --
Apat na lugar naman sa Barangay Manggahan sa Lungsod ng Pasig ang inilagay sa 14-day localized enhanced community quarantine.
Hanggang Agosto 2 ang nasabing lockdown matapos na magtala ng 50 bagong kaso ng COVID-19 sitio, Pipino, Labanos, Okra at Ubas.
Sinabi ni Barangay Chairwoman Sheila De Asis na mayroong kabuuang 104 na kaso ng COVID-19 ang kanilang naitala.
Magbabantay naman ang mga kapulisan at barangay opisyal sa lugar para hindi na tumaas pa ang bilang ng maaapektuhan ng virus.
Papatawan ng P5,000 na multa ang mga lalabag sa quarantine protocols.