-- Advertisements --

Tuluyan nang nagretiro sa serbisyo ang apat na lumang barko ng Philippine Navy.

Sa isinagawang decommissioning ceremony ng Philippine Navy sa pantalan ng Captain Salvo sa Naval base sa Cavite, pormal nang nagretiro ang BRP Pangasinan, BRP Quezon, BRP Emilio Liwanag at BRP Salvador Abcede matapos ang maraming taon ng pagpapatrolya sa karagatan ng Pilipinas.

Ang BRP Pangasinan at BRP Quezon ay patrol ship ng Philippine Navy na ginamit ng United States Navy noong World War 2.

Habang ang BRP Emilio Liwanag at BRP Salvador Abcede ay dinonate naman ng gobyerno ng South Korea sa magkahiwalay na taon.

Sa mensahe naman ni Navy Flag Officer-in-Command Vice Adm. Giovanni Carlo Bacordo, naghahanda na raw sila para gawing moderno ang hukbong dagat ng bansa.

“Indeed, the decommissioning of PS31, PS70, PC118 and PC114 is a symbolism that there is a new horizon in sight. We are geared towards becoming a stronger and more capable Philippine Navy. With our newest acquisitions, we are more confident that we can better perform our mandate and provide better protection of our maritime domains,” mensahe ni Bacordo na binasa ni Navy Vice Commander, Rear Adm. Adelius Bordado.