-- Advertisements --
NCR metro manila 1

May apat na lungsod sa National Capital Region (NCR) ang nakalahati na ng kanilang populasyon ang naturukan ng first dose ng COVID-19 vaccine.

Nangunguna rito ang San Juan City kung saan mayroong halos 70,000 sa populasyon nito o 81.5% sa lungsod ang naturukan ng unang dose ng COVID-19 vaccine.

Sumunod ang Maynila na mayroong mahigit 55 percent o katumbas ng mahigit 440,000 sa 800,000 na target nilang mabakunahan.

Nasa pangatlong puwesto naman ang Navotas na mayroong mahigit 52% na kanilang residente ang naturukan ng vaccine o katumbas ito ng mahigit 79,000.

Pang-apat naman na nakapagtala ng mahigit kalahati ng mga residente na nabakunahan sa unang dose ay ang Mandaluyong na mayroong 50.9 percent o mahigit 165,000.

Magugunitang isa ang lungsod ng Maynila na mayroong record na nabakunahan na 350,000 na residente sa loob lamang ng isang araw.

Limang lugar na rin ang inaasahan na maabot ang 50 percent na target sa susunod na linggo at ito ay ang Las Pinas, Paranaque, Pasay, Muntinlupa at Quezon City.

Tiwala naman ang Manila City Government at Quezon City government na maabot ang herd immunity sa buwan ng Setyembre.