-- Advertisements --

ILOILO CITY – Nagpasa ng pekeng negative Reverse Transcription Polymerase Chain Reaction (RT-PCR) test result pag-uwi sa Iloilo ang apat na miyembro ng isang pamilya at kanilang driver na nagbakasyon sa Cebu.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Atty. Leo Superio, municipal administrator ng Sta. Barbara, Iloilo, sinabi nito na ang apat na miyembro ng magpamilya ay kinabibilangan ng mga magulang at dalawang anak.

Ayon kay Superio, ang nasabing magpamilya at driver ay nagsumite ng RT-PCR test noong dumating sila sa Estancia Port sa Iloilo na kung saan nakalagay na nagpakuha sila ng swab test sa Vicente Sotto Memorial Medical Center.

Ngunit ng kanilang inusisa ang nasabing ospital, itinanggi nila na nagpakuha ng swab test ang nasabing mga bakasyunista.

Inihahanda naan ang kasong falsification of public or official document laban sa pamilya na nagbigay ng pekeng RT-PCR test result.