-- Advertisements --
KALIBO, Aklan – Hindi na natuloy ang masaya sanang bakasyon ng apat na magpamilya sa isla ng Boracay matapos na mahuling peke ang kanilang isinumiteng RT-PCR tests result sa Caticlan jetty port, Huwebes ng hapon.
Base sa report, nadiskubre ng validating team ng Inter Agency Task Force ng lokal na pamahalaan ng Aklan na peke ang kanilang mga dokumento.
Hinuli ang mga ito sa tinutuluyang hotel at kasalukuyang naka-quarantine sa pasilidad ng Provincial Health Office sa Kalibo, Aklan.
Napag-alaman na ang apat ay mula rin sa National Capital Region (NCR).
Sasampahan sila ng kasong paglabag sa Mandatory Reporting of Notifiable Diseases and Health Events of Public Health Concern Act at falsification of documents.