-- Advertisements --
BUTUAN CITY- Hindi na nakapalag pa ang binansagang Madam Muslim ng Bayugan City sa lalawigan ng Agusan del Sur matapos mapalibutan ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency o (PDEA) Caraga sa inilunsad na drug bust operationsa may bus terminal ng nasabing lungsod.
Nakuha mula sa pitaka ng 40-anyos na suspek na si Armac Ameril Suma, residente ng P1B, Brgy. Taglatawan ang apat na malalaking sachets ng nasabing druga pati na ang 20-libong pisong marked money.
Patuloy pang inalam ang kabuu-ang halaga ng bulto-bultong pinaghihinalaang ‘shabu’ na nakuha ng mga otoridad.