-- Advertisements --

ROXAS CITY – Maswerteng nailigtas ng Capiz Provincial Bantay Dagat ang apat na mga mangngisda, matapos tumaob ang sinasakyang fishing boat sa bayan ng Pilar.

Kinilala ang mga biktima na sina alyas “Josh”, alyas “Jay” kapwa 21-anyos, alyas “Den” 18-anyos at alyas “Le” 38-anyos pawang mga residente ng Barangay Binaobawan, sa nasabing bayan.

Napag-alaman na habang nangingisda ang mga ito, biglang hinampas ng malakas na alon ang bangka dahilan para tumaob ito.

Sa ngayun nakabalik na ang mga mangingisda sa kanilang tahanan ang mga mangisngisda.