ROXAS CITY – Masuwerteng nakaligtas ang apat na mangingisda matapos nastranded sa gitna ng laot dahil sa bagyong Dante.
Nakilala ang mga ito na sina Vicente Salvadico, mga anak na sina Melvin at Mark Salvadico at pamangkin na si Jareth Daguhoy pawang residente ng Barangay Binaobawan, Pilar, Capiz.
Sa exclusive interview ng Bombo Radyo Roxas kay Vicente Salvadico, sinabi nito na alas-4 ng madaling araw at pauwi na sana sila ng biglang lumakas ang hangin at hinampas ng malaking alon ang kanilang motor banca na naging dahilan ng pagkasira ng makina.
Dahil dito ay sumabay na lamang ang kanilang bangka sa agos ng alon hanggang napadpad sa Isla sapatos sa kung saan tinulungan sila ng mga residente at nag-ambagan pa makabili sila ng krudo hanggang nakabalik sila sa kanilang mga pamilya.
Laking pasasalamat ng pamilya ng mga mangingisda sa mistulang milagro dahil walang masamang nangyari sa kanila.