BACOLOD CITY – Ililibing na bukas ang apat na magkakamag-anak na minasaker ng kanila ring kaanak sa Gardenville Subdivision, Barangay Tangub, lungsod ng Bacolod nitong Linggo.
Sa exclusive interview ng Bombo Radyo Bacolod kay Sally Espinosa-Hasegawa, sabay na ililibing ang kanyang mga kapatid na sina Jocelyn Nombre at Jemma Espinosa, pamangkin na si John Michael Espinosa at anim na taong gulang na apo na si Precious Jona Espinosa.
Aniya, naayos na ang libing ng apat sa Bacolod Memorial Park.
Sa ngayon, ang labi ng mga biktima ay nasa Holy Angels Funeral Homes sa Cuadra Street, Bacolod City ngunit hindi na inihimlay sa regular na chapel dahil hindi pa humupa ang masangsang na amoy.
Nabatid na naagnas na ang mga bangkay nang matagpuan nitong Miyerkules ng umaga.
inamin ng prime suspect na si Christian Tulot alyas Dondon na mag-isa lang itong gumawa ng krimen at walang kinalaman ang kanyang tiyuhin na si Joel Espinosa sa masaker.
Hinihintay sa ngayon ng Bacolod Police Station 8 ang resulta ng autopsy examination upang malaman kung saan ang sugat ng mga biktima.
Una nang narekober ng mga pulis ang martilyo at panggapas ng tubo o sugarcane cutter na ginamit ng suspek sa pagpatay sa kanyang dalawag tiyahin, pinsan at pamangkin.