-- Advertisements --
Sugatan ang apat na miyembro ng United Nations peackeeping agency na nakatalaga sa southern Lebanon.
Tinamaan kasi ng rocket ang base nila na isa sa tatlong insidente sa loob ng isang araw.
Dinala na sa pagamutan ang apat na Ghanaian peacekeepers.
Ayon sa UN Interim Force in Lebanon (Unifil) nangyari ang insidente sa Ramyah village malapit sa border ng Israel.
Kasama rin na nagtala ng damyos ang base nila sa Shama subalit walang naitalang nasugatan.