-- Advertisements --

(Update) BACOLOD CITY — Nakilala na ang apat na mga namatay makaraang magliyab ang dalawang wing van na nagbanggaan sa Barangay Sagua Banwa, Valladolid, Negros Occidental.

Ang huling na-identify ay sina Diany Garcia ng Barangay E. Lopez, Silay City, Negros Occidental at Evel Elostrisimo na mga empleyado ng Rivson Commercial sa Lizares Street, Bacolod City.

Ang sakay sa kabilang wing van ay ang magkapatid na sina Wendel at Carlo Larios, residente ng Mabinay, Negros Oriental na kakadeliver lang ng foam at baby products sa Dumaguete City.

Naganap ang head-on collision sa pakurbang daan sa Barangay Sagua Banwa, Valladolid, dakong alas-12:15 ng madaling-araw.

Kaagad na nagliyab ang dalawang van kaya’t hindi na narescue ng mga bumbero dahil sa laki ng apoy.

Ayon kay Fire Officer 1 Dustin Dolar, investigator ng Valladolid Fire Station, nagsimula ang apoy sa wing van na may kargang plastic products at nagliyab na rin pati ang nabanggang wing van.