-- Advertisements --

LEGAZPI CITY – Hindi na makakaupo pa sa pwesto ang apat na mga kandidatong nanalo sa kakatapos pa lamang na Barangay at Sangguaniang Kabataan elections sa Bicol dahil sa ibinabang disqualification ng Commission on Elections.

Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Commission on Elections Bicol Director Atty. Maria Juana Valeza, walo sa mga tumakbong kandidato ngayong eleksyon ay convicted na sa kaso o dati ng may disqualification case kung kaya nakansela na ang kanilang mga ceritificate of candidacy.

Sa nasabing mga kandidato, apat sa mga ito ay nanalo sa kanilang tinakbohang posisyon mula sa mga lugar ng Aroroy sa Masbate, Capalonga sa Camarines Norte, Viga sa Catanduanes at Magallanes sa Masbate.

Maaari umanong magkaroon na lang ng special election, succesion o ang kalaban sa posisyon ang uupo bilang kahalili ng nadiskwalipikang kandidato.

Samantala, nasa 99.53% na ngayon ang turn out ng boto sa rehiyong Bicol na natatagalan umano dahil maraming mga posisyon ang nagkaroon ng tie at ayaw ng mga kandidato na magpatalo.

Sa kabila nito, nagpapasalamat naman ng Commission on Elections na naging matagumpay at tahimik ang eleksyon ngayon taon dahil na rin sa pakikipagtulungan ng publiko.