-- Advertisements --
image 67

Nasa stable condition na ang apat na naitalang sugatan sa nangyaring sunog sa Araneta Avenue, Kitanlad Street, Barangay Tatalon, Quezon City.

Matatandaang nabulabog kahapon ang mga residente matapos maabo ang nasa 30 kabahayan sa nasabing lugar.

Kaya naman, nagpalipas na lamang ng magdamag ang mga nasunugan sa covered court, gilid ng kalsada at kanilang mga kaanak.

Nitong Sabado ay nagbigay naman ang Philippine Red Cross (PRC) ng pagkain, kung saan doon na mismo nanatili ang kanilang food truck para sa mga biktima.

Nabatid na karamihan sa mga nasunugan ay informal settlers, kaya karamihan sa mga bahay ay gawa sa light materials na mabilis kapitan ng apoy.

Sa ngayon, nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng Bureau of Fire Protection (BFP).