Patay ang isang high ranking official kasama ang 3 iba pang myembro ng New Peoples Army sa dalawang magkahiwalay na engkwentro laban sa tropa ng pamahalaan sa bukiring bahagi ng Sergio Osmeña, probinsya ng Zamboanga del Norte.
Kinilala ang napatay na si Charlie Hintapa, alyas Andot at Esok, isang team leader ng Weakend Guerilla Front Sendong sa ilalim ng g Western Mindanao Regional Party Committee matapos makasagupa ang tropa ng 97th Infantry Battalion at 53rd Infantry Battalion.
Napatay din ang kinilalang sina Maria Luz Ranan alyas Mona, Secretary ng grupo, Jerome Albios alyas Raffy at Mary Ann Nabicis alyas Bianca sa isinagawang pursuit operation sa parehong lugar.
Nakuha naman mula sa mga ito ang isang MK Grenade,isang 5.56mm M4 Rifle, mga basiyo ng bala ng 5.56M, at mga personal na kagamitan.
Base sa report, ikinasa umano ng tropa ang operasyon matapos na makatanggap ng impormasyon sa mula sa mga concerned citizen sa lugar matapos maobserbahan ang pagtitipon – tipon ng mga armadong grupo sa kanilang anibersaryo.
Nabatid na ang mga natitirang myembro ng Guerilla Front Sendong na umanoy nag-ooperate sa probinsya ng Misamis Occidental ay lumipat sa Zamboanga del Norte para makianib umano sa kasapi ng Western Mindanao Regional Party Committee.
Sa ngayon ay mayroon na lamang umanong 2 myembro ang natitira sa Guerilla Front Sendong.