Wala pa ring patid ang Embahada ng Pilipinas sa Myanmar sa paghahanap sa apat na Overseas Filipino Workers na naiulat na nawawala .
Ito ay makaraang tumama ang mapaminsalang magnitude 7.7 na lindol doon.
Samantala, tutulong na rin ang NBI Disaster Victim Identification Division para sa mabilisang paghahanap sa mga pinaghahanap na Pilipino.
Patuloy naman ang panalangin ng kanilang pamilya upang mailigtas ang kanilang mga kaanak.
Bukas naman ang pamunuan ng Department of Foreign Affairs sa mga Pilipino na nais mag avail ng repatriation ng gobyerno lalo na sa mga biktima ng malakas na lindol.
Tiniyak rin ng ahensya na tutulungan nila ang lahat ng mga OFWs pati na ang mga undocumented OFWs sa Myanmar.
Alinsunod ito sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na tiyaking ligtas ang lahat ng mga OFWs na naapektuhan ng lindol.