-- Advertisements --
image 368

Matagumpay na naharang ng mga tauhan ng Bureau of Immigration ang apat na babaeng pasahero na pinaghihinalaang traffic passenger na patungo sana sa bansang Lebanon para mag trabaho bilang household service workers.

Ayon kay Bureau of Immigration Commissioner Norman Tansingco, tatlo sa mga biktima ay cleared na sana sa pag-alis ng maharang ang mga ito matapos magtangkang sumakay sa isang Airline company patungong Kuala Lumpor, Malaysia.

Bukod dito ay isa ring babaeng biktima ang naiulat na naharang sa parehong araw ng mga tauhan ng Bureau of Immigration na patungo sanang Bangkok Thailand.

Ibinunyag ni Tansingco na ang mga pasaherong ito ay nagpapanggap na mga turista at iginigiit na ang kanilang pagpunta sa ibang bansa ay para lamang mamasyal.

Matapos ang interrogation ay matagumpay na napaamin ang mga biktima na sila ay patungo talaga sa bansang Lebanon kung saan sila na recruit para magtrabaho.

Ayon pa kay Tansingco, patuloy na umiiral ang deployment ban laban sa mga pasaherong walang dokumento at mayroong pekeng papeles.

Ibinunyag pa ng mga biktima sa mga ahente ng Bureau of Immigration na sila ay ni-revuit ng isang Helen na nakilala lamang nila Online at binigyan sila ng mga kinakailangang documento para makaalis ng bansa.

Inutusan umano silang pumila sa isang partikular na immigration booth.

Tinanggal narin ang mga tauhan na nagdeklarang cleared sa mga biktima at isasaialalim ito sa masusing imbestigasyon.