-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO- Lumobo na ang bilang ng mga sibilyan na lumikas sa kalat-kalat na sagupaan ng dalawang armadong grupo sa probinsya ng Cotabato.

Ayon sa ulat ng pulisya na nagka-engkwentro ang grupo nila Kumander Ricky Hussain at Kumander Butoh Mantol na kapwa mga miyembro ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) na may personal na alitan sa kanilang pamilya.

Ang mga lumikas na mga sibilyan ay nagmula sa Brgy Talitay at Brgy Rajamuda Pikit North Cotabato.

Kinumpirma ng mga bakwit na apat na ang nasawi at lima ang nasugatan sa engkwentro ng magkaaway na grupo.

Anim na mga sibilyan naman ang nasugatan ng tamaan ng mga ligaw na bala sa bahagi ng Brgy Bagoenged Pagalungan Maguindanao.

Dobling hirap ang nararanasan ng mga sibilyan ngayon sa mga Evacuation center lalo pa at kasabay nito ang krisis dulot ng COVID-19.

Nanawagan ang mga residente sa bayan ng Pikit Cotabato at hangganan ng Pagalungan Maguindanao sa pamahalaan na silay matulungan para humupa ang gulo sa naglalabang grupo.