-- Advertisements --
SM Gensan quake
SM Mall in GenSan

(Update) Umaabot na sa apat katao ang nasawi at marami ang sugatan dahil sa naganap na magnitude 6.3 na lindol dakong alas-7:37 kagabi.

Kabilang sa namatay ang pitong taong gulang na batang babae matapos na ito ay madaganan nang bumagsak na pader sa loob na ospital sa kasagsagan ng lindol sa Tulunan, North Cotabato.

Ang biktima ay nagmula sa Datu, Paglas, Maguindanao na dinala lamang sa pagamutan sa bayan ng Tulunan.

Binawian din ng buhay ang isang magsasaka na si Tony Panangulon na residente ng Brgy Gaunan, M’lang, Cotabato nang atakihin sa puso kasabay nang lindol.

May naitala ring mga sugatan dahil sa lindol sa probinsya ng Cotabato, may bumagsak na pader, nagkabitak na mga tahanan, mga bumagsak na display ng mga tindahan at mga nasirang ari-arian.

Umabot naman sa 20 katao ang sugatan dahil sa lindol sa Magsaysay, Davao del Sur.

Sinabi ni Anthony Allada, information officer ng Magsaysay, dinala kaagad sa pagamutan ang mga nasugatang biktima.

Maraming bahay din ang nasira at government offices dahil sa nasabing lindol.

Ilang residente rin ang nakapanayam ng Bombo Radyo at sinabing ngayon lamang sila nakaranas ng ganitong kalakas na lindol.

Nasunog naman ang Gaisano Mall sa GenSan matapos ang pagtama ng lindol.

Itinaas ng Bureau of Fire Protection sa alert level four sa naturang sunog.

Habang inaalam pa ng mga otoridad kung may naiwang tao sa loob ng gusali.

Una rito, nag-panig ang mga mall goers at kanya-kanya ng takbuhan at paglabas nang mangyari ang pagyanig.

Nagpasya rin si Davao City Mayor Sara Duterte na kanselahin ang klase sa lahat ng antas ngayong araw sa lungsod subalit nilinaw nito na may pasok ang mga kawani ng gobyerno. (with reports from Bombo Garry Fuerzas, Bombo GenSan and Bombo Davao)

Davao quake
Davao quake

Nanawagan din si Cotabato acting Governor Emmylou ”Lala” Mendoza sa lahat ng mga lokal na pamahalaan (LGUs) na suspindihin ang klase ngayong araw Oktubre 17 upang magsagawa ng wastong pagsusuri sa lawak ng mga pinsala sa kani-kanilang mga lugar.

Sa ngayon ay tuloy-tuloy pa rin ang mga nararanasang aftershocks sa probinsya ng Cotabato at iba pang lugar.

Mahigit na sa 200 aftershocks ang naitatala ng Phivolcs kaya may mga residente sa lugar ang nagpalipas ng magdamag sa kanilang bahay.

fire gensan gaisano mall
Gaisano Mall in GenSan
Gensan Sm quake
gensan quake
quake injured 1
Digos City Earthquake
Digos City quake
GAISANO MALL FIRE GENSAN QUAKE