Umaapela ng tulong sa Department of Foreign Affairs (DFA) at Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ang apat na Pilipinong nakaligtas sa banggaan ng barko ng Taiwan at Korea sa Pacific ocean na bilisan ang pagproseso ng kanilang travelling documents upang makabalik sa Pilipinas.
Kabilang sa mga Filipino crew na nakaligtas sina Mark Anthony Camense, Jhoecel Asturias, Jovencio Mariano, at Marielo Bautista.
Kwento ng isa sa mga survivor na si Jovencio Mariano, hindi na nila nagawa pang maislba ang kanilang mga mahahalagang dokumento gaya ng pasaporte ng lumubog ang lulang barko na Korean Reefer Ship Momyo kasunod ng pagbangga bito sa Taiwanese vessel na Viva Fafa noong Hunyo 8.
Sinabi naman ni OWWA Administrator Hans Cacdac, inaantay na lamang nila ang apat na filipino crew na matapos ang kanilang quarantie sa Taiwan bago silang tulungan na makabalik sa bansa.
Tiniyak din ng ahenisya na mabibigyan ng tuulong pinansyal, kabuhayan at school assistance mula sa OWWA ang mga ito.
Una rito, nangingisda umano ang mga ito at ng pabalik na ang mga ito sa Solomon islands saka nangyari ang insidente. Ayon sa survivor na si Bautista, hindi aniya maituturing na siang aksidente lamang ang nangyaru dahil hindi umano binuksan ng kapitan ng Taiwanese vessel ang kanilang radar.
Iniimbestigahan na rin ngayon ang insidente