-- Advertisements --
Nakatakdang palayain sa lalong madaling panahon ang 4 na Pilipinong seafarer na kabilang sa lulan ng MSC Aries container ship na kinumpiska ng Iranian authorities noong weekend.
Ayon kay DFA USec. Eduardo De Vega, kakausapin ngayong araw ni Foreign Secretary Enrique Manalo ang Iranian Ambassador to the PH kaugnay sa kalagayan ng 4 na Pinoy seafarer.
Muling sinabi ni USec. De Vega na nasa maayos na kondisyon ang mga ito at binigyan ng pagkakataon na matawagan ang kanilang mga pamilya na nandito sa PH.
Matatandaan noong Linggo, kinumpirma ng DFA na kabilang ang 4 na Pinoy seafarers sa 25 crew na lulan ng Portuguese-flagged ship na sinalakay ng Islamic Revolutionary Guard Corps chopper at dinala sa Iranian waters.