-- Advertisements --

CAUAYAN CITY- Apat na Filipino na nagtatrabaho bilang Contractor ng United Nations sa Mazar-e Sharif nais ng umuwi sa bansa ngunit hindi makalabas sa kanilang kinaroroonan

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Lawrence Yembao, isa sa apat na United Nations contractor sa Afghanistan na nakipag-ugnayan na sila sa Embahada ng Pilipinas sa Pakistan upang ipaalam ang kanilang pagnanais na makaalis sa nasabing bansa.

Ngunit sinabihan sila na kung maaari ay magtungo sila sa Kabul upang doon maproseso ang kanilang pag-uwi ngunit wala anyang flight mula Mazar-e Sharif patungong Kabul at kung babiyahe naman sila by land ay aabutin ng 8 oras at napakadelikado

Sa ngayon ay nangangamba sila sa kanilang kaligtasan kahit na tiniyak sa kanila ng United Nations na nakipag-usap na sila sa Taliban at tiniyak na bibigyan sila ng immunity.

Matapos anyang sakupin ng Taliban ang Afghanistan ay sila na rin ang nagbibigay ng seguridad sa labas ng compound ng United Nations.

Bagamat tiniyak ng mga Taliban ang pagbibigay ng immunity sa mga kawani ng United Nations ay nangangamba pa rin sila sa kanilang kaligtasa .

Habang papalapit anya ang deadline para makaalis ang mga foriegner sa nasabing bansa ay nais nilang tatlong Pinoy na umuwi na sa Pilipinas habang ang isang pang Pinoy ay gusto pa ring magtrabaho sa Afghanistan basta makumpleto ang kanyang papeles na magtrabaho.

Nagpapatuloy pa rin anya ang evacuation sa nasabing bansa at wala na silang magagawa kundi hintayin ang magiging hakbang ng United Nations para makaalis.

Habang balak din nilang magtungo sa boarder ng Uzbekistan ngunit kinakailangan nila ang mga note verbale mula sa mga opisyal sa Embahada ng Pilipinas sa Pakistan at kailangan din silang eskortan ng ilang opisyal ng United Nations na napakadelikado.