-- Advertisements --
Umabot na rin sa apat na mga players ng Los Angeles Lakers ang isinailalim sa COVID-19 protocols matapos maisama na sa quarantine sina Lakers guards Russell Westbrook at Avery Bradley.
Liban kina Westbrook at Bradley, una na ring inilagay ng liga sa COVID protocols sina Talen Horton-Tucker at Dwight Howard.
Habang si Malik Monk, ay nagnegatibo naman sa COVID-19 matapos isailalim din sa quarantine.
Dalawa pang players ng Lakers ang hindi rin nakakapaglaro dahil sa injury.
Balak ngayon ng team na kumuha muna ng ibang players para sa panandaliang kontrata.