-- Advertisements --
Patay ang apat na opisyal ng maximum security sa Russia mataps ang naganap na kaguluhan.
Ang mga inmates ay nagpakilala pa ng kaanib ng ISIS kung saan nagawa pa nilang mang-hostage.
Mabilis na rumesponde ang mga kasapi ng Russian special forces at lahat aniya ng mga bihag nakalaya na rin sa penal colony na matatagpuan sa bayan ng Surovikino.
Ayon sa National Guards of Russia o kilala bilang Rosgvardia na gumamit pa sila ng snipers mula sa special forces para tuluyang mapatay ang mga hostage takers.
Nagpatawag ng imbestigasyon si Russian President Vladimir Putin ukol sa nangyaring insidente.