-- Advertisements --
image 256

Ilang mga Local Government Units ang sunod-sunod na nagdeklara ng State of Calamity sa ibat ibang bahagi ng bansa, dahil sa naging pinsala na iniwan ng mga magkakasunod na kalamidad.

Kinabibilangan ito ng mga sumusunod:

1. Palawan – Coron
2. Iloilo – Leganes, Pototan, at Oton,
3. Antique- Sibalom, San Remigio, at Hamtic,
4. Negros Occidental – Bago, Bacolod, San Enrique

Ang mga nasabing probinsiya ay nakapagtala ng malawakang pinsala sa mga sakahan at imprastraktura dahil sa malawakang pagbaha na dulot ng walang tigil na mga pag-ulan, batay sa ulat ng NDRRMC.

Una nang iniulat ng NDRRMC na umaabot na sa mahigit isang milyong katao ang nakumpirmang naapektuhan sa mga nasabing kalamidad.

Kabilang sa mga apektadong rehiyon ay ang Ilocos, Cagayan Valley, Central Luzon, Region IV-A (Calabarzon), Region IV-B (MIMAROPA), Western Visayas, Cordillera Administrative Region (CAR), at National Capital Region (NCR).