-- Advertisements --

Pinuri ni Interior and Local Secretary Benhur Abalos Jr ang mga kapulisan ng National Capital Region Police Office sa mabilis na pagkakaaresto ng apat na aktibong miyembro ng PNP.

Ang nasabing mga kapulisan ay sangkot sa kidnap-for-ransom sa dalawang turistang Chinese at tangkang pagdukot sa dalawang iba pa sa lungsod ng Pasay.

Kinilala ng mga ito na sina: Police Major Christel Carlo Villanueva at Staff Sergeant Ralph Tumanguil, nakatalaga sa Pasay City Police Station; Police Master Sergeant Ricky Tabora mula sa National Capital region Police Office (NCRPO); at Police Senior Master Sergeant Angelito David mula sa Makati City Police Station.

Sinabi ni Abalos na base sa kuwento ng mga biktimang sina Yang Zhuan Zhuan, Meng Zhao, Zhi Yi Xuan,pawang mga Chinese nationals, at Tang Heng Fei isang Malaysian na pinara ng mga kapulisan ang kanilang sasakyan sa Taft Avenue sa lungsod ng Pasay.

Hiningi ng isang motor rider ang lisensya ng driver na si Meng at isang van naman pumarada kalapit kung saan pinosasan ang mga biktima.

Mabilis naman na nakatakasa sina Meng at Yang at nakahingi ng tulong sa mga kapulisan.

Napalaya ang dalawang biktima matapos na magbayad umano ang mga ito ng P2.5-M.

Sa ginawang follow-up ay naaresto ang mga suspek.

Tiniyak ni Abalos na masasampahan ng kaukulang kaso ang nasabing mga naaretong suspek.