-- Advertisements --
Tinanggal na ang apat na pulis sa Minneapolis matapos ang pagkakasawi ng isang lalaki.
Sinabi ni Minneapolis Police Chief Medaria Arrandondo, na matapos ang matanggap nilang batikos ay agad na tinanggal ang hindi na pinangalanang kapulisan.
Inireklamo ang mga kapulisan sa pagkakasawi ni George Floyd kung saan makikita na dinaganan ng kaniyang tuhod ng isang pulis ang ulo ng biktima kahit na nagsusumamo na ito na hindi ito makahinga.
Matapos ang pagkalat ng video ay umani ng batikos sa mga kapulisan.
Paliwanag din ni Arrandondo na ang pagtuhod ng mga kapulisan sa ulo ay hindi itinuturo sa mga academy.
Sinabi naman ni Minneaspolis Mayor Jacob Frey, na ito na aniya ang tamang panahon para mabigyan ng aksyon ang mga maling gawain ng mga kapulisan.