Nagpositibo sa COVID-19 ang apat na guest ng Gubat sa Ciudad resort sa Caloocan City.
Sinabi ni Caloocan City COVID-19 Command Center head Bok Labastilla na isa sa nasabing apat ang asymptomatic base na rin sa lumabas na resulta ng kanilang antigen test.
Inilipat na rin ang isa sa apat sa quarantine facility habang ang tatlo ay inaayos pa ang paglilipat ng mga ito.
Umaabot na rin sa 123 sa 287 na ang natukoy na para sa contact tracing.
Mayroon ng 42 sa kabuuang 123 ang sumailalim sa antigen test at apat ang COVID-19 positive ang natitirang 80 iba ay kanilang isasailalim pa sa swab test.
Ipinaubaya naman nila sa mga Contact Tracers ng Caloocan City PNP ang hindi sumasagot sa tawag nila para bisitahin ang kanilang mga bahay.
Magugunitang noong Mayo 9 ng dumagsa ang mga tao sa nasabing resort na mahigpit na ipinagbabawal dahil sa ipinapatupad na mahigpit na quarantine protocols.