-- Advertisements --
Namataan ng North American Aerospace Defense Command (NORAD) ang apat na military aircraft ng Russia malapit sa Alaska.
Naganap ang insidente halos dalawang linggo ng dagdagan ng US ang mga sundalo sa lugar bilang “force protection operation” dahil sa ginagawang military exercises ng Russia at China sa lugar.
Ayon pa sa NORAD na nananatili ang eroplano ng Russia sa international air space sa Air Defense Identification Zone (ADIZ) ng Alaska pero hindi pumasok sa American o Canadian sovereign airspace.
Hindi naman nakita ng NORAD na banta ang Russian military plane dahil sa regular na nila itong namamataan.