CAUAYAN CITY- – Mapalad na walang nasaktan sa naganap na karambola ng apat na sasakyan matapos mapigtas ang ginamit na lubid ng isang truck na nakatali sa hinihila nitong isang pang forward truck sa Brgy. Baligatan, City of Ilagan.
Sangkot dito ang isang Fuso Forward Truck na may plakang LEF 884 na minamaneho ni Leandro Mayo, 50 anyos, may asawa at residente ng Luna, Isabela.
Kasama rin dito ang isang hyundai Carlight na minamaneho naman ni Hazel Mazo, isang goverment employee, may asawa at residente ng Brgy. Alibagu habang ang pangatlong sangkot ay ang Toyota Avanza na minamaneho ni Pancho Lagumbayan, 44 anyos , may asawa, negosyante at residente ng Brgy Baligatan, Ilagan City at ang isang mitzubishi Montero na minamaneho naman ni Jay Pacia, 42 anyos,may-asawa, negosyante at residente rin ng nasabing lunsod.
Batay sa initial na imbestigasyon ng Ilagan City Police Station ay sinusundan umano ng mga nabanggit na mga sasakyan ang isang forward truck na may hila hilang isa pang truck dahil nagkaroon ng mechanical dysfunction na parehong may kargang LPG.
Paakyat ang nasabing daan at dahil sa bigat ng mga sakay na tangke ay napigtas ang lubid na humihila sa isang truck dahilan upang umatras ito pababa at bumangga ito sa mga sumusunod sa kanyang mga sasakyan.
Wala naitalang nasugat sa insidente subalit nagtamo ng sira ang mga sasakyang nasangkot sa karambola.